SM Mall of Asia pinabulaanan ang online message ukol sa pundasyon ng mall
Iginiit ng pamunuan ng SM Mall of Asia Complex na walang katotohanan ang mensaheng kumakalat ngayon sa social media ukol sa structural integrity ng mall.
Batay sa viral message, pinaiiwas ang publiko sa pagbisita sa SM MOA.
Pinatawag umano ang mga engineers dahil sa biglaang pagkasira ng pundasyon ng SM MOA Complex dahilan para pumasok sa ilalim nito ang tubig mula sa Manila Bay.
Sa ngayon umano ay pumping system na lang ang tumutulak sa tubig pabalik ng dagat at kapag nasira ang pumps ay posibleng gumuho ang MOA.
Pero ayon sa MOA, hindi ito totoo at wala ring pinatawag na pulong ang management sa Engineering department kaugnay ng pinalulutang na isyu.
Nananatili umanong normal ang operasyon ng SM MOA complex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.