LOOK: Ash fall bunsod ng pag-alboroto ng Bulkang Taal, umabot na sa Metro Manila at ilang lalawigan
Umabot na ang ash fall mula sa Bulkang Taal sa ilang parte ng Metro Manila at ilang karatig-lalawigan ng bulkan.
Nakaranas nito makaraang magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan simula Linggo ng hapon.
Sa larawang kinuha ni Marian Cabilugan, nakikita ang abo sa kaniyang balikat habang siya ay nasa Alabang Town Center sa Muntinlupa.
Makikita ring puno ng abo ang isang upuan sa loob ng bahay ni Valerie Chan sa Las Piñas City.
Nakunan ang mga larawan pasado 6:00 ng gabi.
Sa bahagi naman ng Makati City, batay sa video ni Christine Borbolla, nakaranas din ng ash fall sa kanilang lugar bandang 7:10 ng gabi.
WATCH: Ash fall sa Makati City pasado 7:00 ng gabi.
Contributed video: Christine Borbolla pic.twitter.com/kKrpuxw5cL
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
Samantala, umabot din ang makapal at maitim na ulap sa bahagi ng San Pedro, Laguna na kuha ni Daphney Jordan at Dasmariñas, Cavite.
LOOK: Madilim na ulap, kita hanggang sa bahagi ng San Pedro, Laguna bunsod ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal
Contributed photo: Daphney Jordan pic.twitter.com/nZCIL91ZeC
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
LOOK: Ilang residente sa Piela sa Dasmariñas, Cavite nakaranas ng ashfall
Contributed photo: Blesilda Acuña pic.twitter.com/fMLioHcgwu
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
Maliban dito, nakaranas naman ng pag-ulan na may kasamang maliliit na bato sa bahagi ng Tagaytay, Cavite at Barangay Ambulong sa gilid ng Taal Lake.
LOOK: Ulan sa Tagaytay, Cavite may halong maliliit na bato mula sa Bulkang Taal
Contributed photo: Sam Rigby pic.twitter.com/WmuilCpjzL
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
LOOK: Ulan sa bahagi ng Barangay Ambulong sa gilid ng Taal lake, may halong maliliit na bato
Contributed photo: Ruel Perez pic.twitter.com/efqZMEB7Gi
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
Makikita naman sa video ni Sam Rigby sa bahagi ng Tagaytay ang sabay na pagkidlat at pagbuga ng abo ng bulkan.
LOOK: Pag-aalboroto ng Bulkang Taal, sinabayan ng pagkidlat. Nakunan ang video bandang 5:52 ng hapon
Contributed video: Sam Rigby pic.twitter.com/VzSAjW8E9c
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
Ganito rin ang video na nakuhanan ni Dustin Jordan mula sa Anilao, Batangas at Jaime Sto. Domingo sa Batangas.
WATCH: Pagkidlat, nakunan ng video sa pagbuga ng abo sa Bulkang Taal. Nakunan ang video sa Anilao, Batangas.
Contributed video: Dustin Jordan pic.twitter.com/qw3UUZDw48
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
WATCH: Pagkidlat kasabay ng ashfall sa Batangas
Contributed video: Jaime Sto. Domingo pic.twitter.com/AxteE6B3X4
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
Nasilayan naman sa bahagi ng Puerto Galera ang mala-kabuteng hugis ng makapal na abo mula sa nasabing bulkan sa kuha ni Sofia Paguio Bennett.
WATCH: Mala-kabuteng hugis ng makapal na ulap mula sa Bulkang Taal, kita rin sa Puerto Galera
Contributed video: Sofia Paguio Bennett pic.twitter.com/IffpU4Yllk
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 12, 2020
Itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal bandang 7:30 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.