Tiniyak ng PAGASA na mababa pa rin ang tsansa na lumakas at maging bagyo ang binabantayang lpw pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather update ng PAGASA bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin na huling namataan ang sama ng panahon sa 670 kilometers Silangan Timog-Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Makakaapekto aniya ito sa Silangang bahagi ng Mindanao at Visayas.
Samantala, northeast monsoon o amihan pa rin ang umiiral sa bahagi ng Northern Luzon.
Dahil dito, patuloy aniyang makakaranas ng makulimlim na panahon at mahihinang pag-ulan sa nasabing rehiyon.
MOST READ
LATEST STORIES