PNP, nagtaas na ng alerto kasunod ng pag-alboroto ng Bulkang Taal
Nagtaas na ang Philippine National Police (PNP) ng security alert bunsod ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Sa inilabas na pahayag, ipinag-utos na sa Calabarzon Police Regional Office (PRO 4A) ang pagbabawal na magpapasok ng mga tao sa Taal Volcano Island at iba pang
high-rish areas partikular sa Agoncillo at Laurel, Batangas.
Tiniyak ng PNP na handa silang magsagawa ng evacuation katuwang ang mga lokal na opisyal ng gobyerno bunsod ng posibleng panganib na idulot ng pyroclastic
density currents at volcanic tsunami.
Ipinag-utos na rin sa mga police unit sa paligit ng Taal Lake shore na makipagtulungan sa mga local government units para sa agarang aksyon sa posibleng lake water disturbances.
Maliban dito, nagbaba rin si PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ng direktiba sa mga police regional directors ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa,
Bicol at Metro Manila na i-activate ang kanilang Disaster Incident Management Task Group, Regional Reactionary Standby Force, at Search and Rescue assets para sa posibleng dagdag na deployment ng mga pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.