Magnitude 5 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Yumanig ang magnitude 5 na lindol sa Cortes, Surigao del Sur Linggo ng gabi.

Batay sa abiso ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 18 kilometers Northeast ng Cortes bandang 6:53 ng gabi.

May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang intensity 2 sa Cagwait, Surigao Del Sur.

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Surigao City.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...