Pagdami ng Japanese brand sa bansa ibinida ni PNoy sa Japanese Emperor

By Alvin Barcelona January 27, 2016 - 03:00 PM

Akihito3
Kuha ni Alvin Barcelona

Inamin ni Pangulong Noynoy Aquino kay Japanese Emperor Akihito na mas binibili ng mga Pinoy ang mga sasakyang “Made in Japan”.

Sa pakikipag-uusap kanina ng Pangulo kay Akihito sa Malacañang ay pabiro nitong sinabi na bumigat ang daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil sa tumaas na benta ng mga sasakyan na karamihan ay galing sa mga Japanese brand.

Ibinida rin ng Pangulo kay Akihito ang pagdami ng mga tindahan ng Japanese retailer na Uniqlo pati na ang pag-hanga ng mga Filipino sa Japanese technology.

Nagbalik tanaw naman si Akihito sa unang bisita nito sa Pilipinas noong 1962 noong ito ay crown prince at si Empress Michiko ay crown princess pa lamang.

Ayon kay Emperor Akihito, kabilang sa hindi nito makalimutang alaala ng kanyang unang pagpunta sa Pilipinas ay ang kanyang pagbisita sa Baguio City at Tagaytay City noong dekada 60.

Mamayang gabi ay muling babalik sa Malacañang sina Emperor Akihito at Empress Michiko para sa isang State Dinner na pangungunahan ni Pangulong Aquino.

TAGS: Akihito, Japan, Malacañang, PNoy, Akihito, Japan, Malacañang, PNoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.