#WalangPasok ngayong Lunes, Jan. 13

(Story updated) Nagsuspinde ng klase sa maraming lugar ngayong araw ng Lunes, January 13.

Ito ay bunsod ng nararanasang ashfall dulot ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Walang pasok ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa mga sumusunod
na lugar:

Buong Metro Manila

CALABARZON
– Batangas
– Cavite
– Laguna
– Rizal

Central Luzon
– Aurora
– Bataan
– Bulacan
– Pampanga
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales

Linggo ng gabi ay nag-anunsyo na rin ang Palasyo ng Malacañang ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas at pasok sa gobyernos a Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Pinayuhan din ang private sector na magsuspinde na rin ng pasok.

Una rito ay nag-anunsyo ang Korte Suprema ng suspensyon ng pasok sa mga korte sa Metro Manila habang desisyon ng executive judges sa labas ng rehiyon kung magkakansela rin ng pasok.

Nagsuspinde rin ng pasok sa Kamara si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Wala ring pasok sa mga tanggapan ng Civil Service Commission sa Metro Manila at mga apektadong lugar sa CALABARZON at Central Luzon ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada.

Itinaas na ng Phivolcs sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal makaraang makaranas ng phreatic eruption.

Read more...