Palasyo, nakatutok sa pag-alboroto ng Bulkang Taal

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 06:43 PM

Mahigpit na nakatutok ang Palasyo ng Malakanyang sa pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Ito ay kasunod ng pagtataas ng Phivolcs ng Alert Level 3 sa nasabing bulkan bunsod ng nararanasang phreatic eruption.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nagbaba na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte para mailigtas ang mga residenteng malapit sa nasabing bulkan.

Nakikipag-tulungan na rin aniya ang mga ahensya ng gobyerno sa provincial government ng Batangas upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente kabilang na ang kanilang paglikas.

Inabisuhan naman ang publiko na manatiling alerto kasunod ng sitwasyon sa Bulkang Taal.

TAGS: Bulkang Taal, pag-alboroto ng Bulkang Taal, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Bulkang Taal, pag-alboroto ng Bulkang Taal, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.