LOOK: Paalala ng DOH ukol sa ash fall

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 06:15 PM

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng paalala ukol sa ash fall o pag-ulan ng abo.

Ayon sa kagawaran, ang ash fall ay mala-pulbos at mabuhangin bunsod ng ibinubugang abo ng isang bulkan.

Naglalaman anila ito ng carbon dioxide at flourine na posibleng magbigay ng masamang epekto sa kalusugan ng tao na makakalanghap nito.

Ayon sa DOH, narito ang mga sumusunod na maaaring maging epekto nito sa tao:
– Pangangati ng mata, ilong at lalamunan
– Matinding pag-ubo at hirap na paghinga
– Iritasyon sa balat
– Pinsala na dulot ng bubong o aksidente bunsod ng madulas na kalsada

Sinabi ng kagawaran na maaari naman itong iwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
– Iwasang lumabas ng bahay at isara ang mga pintuan at bintana
– Magsabit ng mamasa-masang kurtina sa mga bintana at pintuan para hindi pumasok ang abo
– Gumamit ng dust mask sa ilong at bibig
– Protektahan ang mga mata gamit ang salamin o goggles
– Ilagay sa mga ligtas na lugar ang mga alagang hayop
– Linisin ang mga abo sa bubong ng bahay para hindi gumuho
– Alamin ang sitwasyon sa mga kalsada bago bumiyahe

Itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal matapos magkaroon ng phreatic eruption bandang 1:00 ng hapon.

TAGS: ash fall, Bulkang Taal, doh, pag-alboroto ng Bulkang Taal, ash fall, Bulkang Taal, doh, pag-alboroto ng Bulkang Taal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.