PH Red Cross, nakaalerto na kasunod ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 04:01 PM

Nakaalerto na ang Philippine Red Cross (PRC) kasabay ng pagkakaroon ng phreatic eruption sa Bulkang Taal.

Ayon kay PRC chairman at Senador Richard Gordon, nakatutok na ang kanilang Batangas Chapter at branches nito sakaling mangailangan ng agarang tulong.

Sa abiso ng Phivolcs, itinaas sa Alert Level 2 ang bulkan matapos madagdagan ang steaming activity sa limang spots sa loob ng main crater ng bulkan simula 1:00 ng hapon.

Sinabi ni Gordon na mayroon nang nakaantabay ang PRC Batangas at Cavite chapters na anim na ambulansya, isang 6×6 truck, isang rescue truck at limang multi-purpose vehicle.

Nakaalerto rin aniya ang Red Cross 143 volunteers para i-monitor ang sitwasyon sa lugar.

TAGS: Bulkang Taal, Bulkang Taal sa Alert Level 2, Philippine red Cross, Sen. Richard Gordon, Bulkang Taal, Bulkang Taal sa Alert Level 2, Philippine red Cross, Sen. Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.