Dahil dito, sinabi ng Phivolcs na mula sa Alert Level 1 ay itinaas na ang bulkan sa Alert Level 2.
Ayon sa ahensya, nadagdagan ang steaming activity sa limang spots sa loob ng main crater ng bulkan simula 1:00 ng hapon.
May taas anila na 100 metro ang nagaganap na phreatic explosion.
Sa ibinahaging larawan ni Sam Rigby, makikita ang makapal at maitim na usok na binubuga ng bulkan.
Nakunan ang larawan sa Taaleña Restaurant bandang 3:30 ng hapon.
Nagpaalala naman ang Phivolcs na “strictly off-limits” ang main crater sa publiko.
Posible kasi aniyang magkaroon ng steam explosions at magbuga ng lethal volcanic gases ang bulkan.
Nag-abiso rin ang Phivolcs sa precautionary evacuation ng Taal Volcano Island kasabay ng patuloy na pag-oobserba sa kondisyon ng bulkan sa susunod na 48 na oras.