Ilang parte ng Cavite, Batangas uulanin

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 03:50 PM

Makararanas ng pag-ulan ang ilang parte ng Cavite at Batangas.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:25 ng hapon, iiral ang katamtamang pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tagaytay, Cavite; Talisay at Taal, Batangas.

Sinabi ng PAGASA na mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Batangas, cavite, pagasa, taal, Tagaytay, Talisay, thunderstorm advisory, Batangas, cavite, pagasa, taal, Tagaytay, Talisay, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.