3 sugatan sa pagsabog ng granada sa Camp Aguinaldo

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 02:42 PM

Sugatan ang tatlo katao sa pagsabog ng hand grenade sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Brig. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), naganap ang pagsabog sa apartment unit na inookupa ni Staff Sergeant Larry de Guzman sa loob ng military headquarters compound bandang 6:20 ng umaga.

Dahil dito, nasugatan ang sundalo kasama ang asawa at anak nito.

Isinugod ang nasugatang asawa at anak ng sundalo sa V. Luna Hospital.

Nagtamo naman ng mga pasa ang sundalo.

Tiniyak naman ni Arevalo na bibigyan ng tulong ang pamilya.

Magsasagawa pa aniya ng mas malalim na imbestigasyon sa insidente ang AFP katuwang ang Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives matapos mapag-alamang nangyari ang pagsabog matapos magkaroon ng away ang mag-asawa.

TAGS: AFP, Brig. Gen. Edgard Arevalo, Camp Aguinaldo, Hand grenade, Staff Sergeant Larry de Guzman, sumabog na granada sa Camp Aguinaldo, AFP, Brig. Gen. Edgard Arevalo, Camp Aguinaldo, Hand grenade, Staff Sergeant Larry de Guzman, sumabog na granada sa Camp Aguinaldo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.