Resulta ng autopsy sa bangkay ng pinatay na OFW sa Kuwait, inilabas na

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 02:40 PM

Inilabas na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng isinagawang autopsy sa bangkay ng pinatay na overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, lumabas sa autopsy na mayroong indikasyon ng sexual abuse kay Jeanelyn Villavende.

Mayroon din aniyang nakitang gumaling na sugatan kay Villavende na indikasyong posibleng binugbog ang OFW bago ang insidente.

Sinabi ni Guevarra na isusumite ang format report sa autopsy sa kanyang opisina sa araw ng Lunes.

Matatandaang nagpatupad ang gobyerno ng partial deployment ban sa Kuwait matapos ang pagkasawi ni Villavende.

TAGS: DOJ, Jeanelyn Villavende, kuwait, NBI, NBI autopsy report, OFW killed in Kuwait, Sec. Menardo Guevarra, DOJ, Jeanelyn Villavende, kuwait, NBI, NBI autopsy report, OFW killed in Kuwait, Sec. Menardo Guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.