Antas ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nadagdagan

By Angellic Jordan January 12, 2020 - 12:19 PM

Bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, nasa 204.61 meters na ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mataas ito nang kaunti sa naitalang 204.59 meters noong araw ng Sabado.

Nadagdagan din ng antas ng tubig sa Binga Dam.

Nabawasan naman ang tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams sa magdamag.

Samantala, wala naging pagbabago at nananatili lamang sa 101.10 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam.

TAGS: Ambuklao dam, angat dam, Caliraya dam, Ipo dam, la mesa dam, Magat Dam, PAGASA hydrology division, Pantabangan Dam, San Roque Dam, Ambuklao dam, angat dam, Caliraya dam, Ipo dam, la mesa dam, Magat Dam, PAGASA hydrology division, Pantabangan Dam, San Roque Dam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.