outbrain

LOOK: James Reid, Nadine Lustre magkasasmang umakyat sa Mt. Ulap

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 05:19 PM SHARE(S):

Magkasamang umakyat sina James Reid at Nadine Lustre sa Mount Ulap sa Benguet.

Ito ay kasunod ng umuugong na balitang hiwalay na ang magkasintahan.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni James Reid ang larawan kung saan makikitang magkatabi silang nakaupo ni Nadine sa bundok.

“I’ve come to understand that what we’re looking for is found in the absence of searching. And the answer found in the absence of questions. If you know what I mean, it’s time to tune in. If you don’t… then aren’t you lucky. So this is me, tuning in,” batay sa caption ng aktor sa larawan.

Bago pa ito, nauna nang pinasinungalingan ni Nadine ang isinulat na artikulo ng entertainment writer na si Ricky Lo ukol sa umano’y paghihiwalay ng dalawa.

Kasama nina James at Nadine ang kanilang mga kaibigan na umakyat sa bundok.

TAGS: JaDine, james Reid, Mount Ulap, Nadine Lustre, JaDine, james Reid, Mount Ulap, Nadine Lustre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.