Mga opisyal ng Quiapo Church, pag-aaralan ang mga natanggap na reklamo sa nagdaang Traslacion

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 04:55 PM

Kuha ni Jomar Piquero

Pag-aaralan ng mga opisyal ng Quiapo Church ang mga natanggap na reklamo sa nagdaang Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Quiapo Church rector Fr. Hernando “Ding” Coronel na makikinggan nila ang lahat ng reklamo.

Magagamit aniya nila ito para mas mapabuti pa ang pagdaraos ng taunang pista ng Itim na Nazareno.

Binanggit din ni Fr. Coronnel na naging mabilis at maayos ang prusisyon kumpara sa mga nagdaang taon.

Isa sa mga inireklamo ang “andas wall” ng mahigit 2,000 pulis sa paligid ng Imahen ng Itim na Nazareno na naging dahilan para hindi umano makalapit ang ilang deboto.

Paliwanag naman ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, layon lamang nilang maging payapa at maayos ang prusisyon.

Tumagal ng 16 oras ang prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang sa nasabing simbahan.

TAGS: Fr. Hernando "Ding" Coronel, pista ng Itim na Nazareno 2020, Quiapo Church, Traslacion 2020, Fr. Hernando "Ding" Coronel, pista ng Itim na Nazareno 2020, Quiapo Church, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.