14 Filipino mula Middle East, babalik na ng Pilipinas – Lorenzana

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 04:05 PM

Pauwi na ng Pilipinas ang nasa 14 Filioino mula sa Gitnang Silangan kasunod ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ililipat ang unang batch ng evacuees sa Doha, Qatar saka ibibiyahe pauwi ng Maynila sa araw ng Linggo.

Sa ngayon, nananatili aniya ang mga 14 Filipino sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq.

Ayon sa kalihim, posible pa itong madagdagan.

Patuloy aniyang nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa para alamin kung sinu-sino ang nais nang bumalik ng Pilipinas.

Naghahanda na aniya ang BRP Gabriela Silang para dalhin ang mga Filipino sa mas ligtas na lugar.

Bilang special envoy to the Middle East, nagsasagawa ang assessment si DENR Secretary Roy Cimatu sa sitwasyon sa Iran, Iraq, Libya at mga karatig-bansa.

TAGS: DND, Filipinos in Middle East, Middle East crisis, Middle East tension, Sec. Delfin Lorenzana, DND, Filipinos in Middle East, Middle East crisis, Middle East tension, Sec. Delfin Lorenzana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.