Lalaking apektado ng bagong uri ng virus sa China, pumanaw na

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 12:34 PM

Kinumpirma ng mga otoridad sa China ang unang kaso ng pagkamatay bunsod ng bagong uri ng virus sa bahagi sa Wuhan.

Nasawi ang isang 61-anyos na lalaki bunsod ng tumamang virus sa lugar.

Sa inilabas pahayag, sinabi ng Wuhan Municipal Health Commission na nasa pitong katao ang nananatiling kritikal ang kondisyon.

Nasa kabuuang 41 katao ang apektado ng pneumonia bunsod ng umano’y bagong uri ng coronavirus.

Dalawa naman ang nailabas na ng ospital habang ang iba ay nasa maayos nang kondisyon.

Samantala, hindi naman naapektuhan ng virus ang 739 katao na nagkaroon ng close contact sa mga pasyente matapos isailalim sa obserbasyon.

TAGS: China, coronavirus, Wuhan, Wuhan Municipal Health Commission, China, coronavirus, Wuhan, Wuhan Municipal Health Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.