outbrain

Pagtama ng inilunsad na missile sa bumagsak na Ukrainian plane, “unintentional” ayon sa Iran

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 12:51 PM SHARE(S):

Inanunsiyo ng militar ng Iran na “unintentional” o hindi sadya ang paglulunsad ng missile sa bumagsak na Ukrainian passenger jet.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng militar na “human error” ang pagkakatama ng inilunsad na missile sa eroplano.

Humingi rin paumanhin ang militar sa naganap na aksidente at nangakong magsasagawa sila ng systems upgrade para maiwasan na ang kahalintulad na pagkakamali.

Sinabi rin nito na makukulong ang mga responsable sa insidente.

Matatandaang nasawi ang sakay na 176 pasahero at crew member ng Ukrainian International Airlines flight PS752 makaraang mag-crash matapos mag-take off sa Imam Khomeini International Airport.

TAGS: bumagsak na Ukrainian plane, Iran, bumagsak na Ukrainian plane, Iran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.