Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Albay; Intensities, naramdaman sa ilang karatig-lugar

By Angellic Jordan January 11, 2020 - 11:27 AM

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Rapu-Rapu, Albay Sabado ng umaga.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 22 kilometers Northeast ng Rapu-rapu bandang 9:17 ng umaga.

May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3:
– Legazpi City

Intensity 2:
– Bulusan, Sorsogon

Tiniyak ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: Albay, llindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, rapu-rapu, Albay, llindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, rapu-rapu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.