LOOK: Cancelled flights sa Jan. 11

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Sabado (January 11.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Kanselado ang dalawang Cebu Pacific flights sa NAIA Terminal 3:
5J 504 na biyaheng Manila – Tuguegarao
5J 505 na biyaheng Tuguegarao – Manila

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...