Brig. Gen. Nolasco Bathan pinagsabihan ni Año

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 07:33 PM

Pinagsabihan ni Interior Secretary Eduardo Año si admonished Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Nolasco Bathan sa ginawa nitong pagkuha sa cellphone ng GMA 7 reporter na si Jun Veneracion.

Ayon kay Año, hindi iyon dapat ginawa ni Bathan. Hindi aniya tamang basta-basta na lamang hinablot ni Bathan ang cellphone ni Veneracion.

Nangako rin si Año na ipapataw ang karampatang sanction kay Bathan sa sandaling mapatunayang may pagkakamali ito.

Ayon kay Año nais niya munang hintayin ang resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng Philippine National Police (PNP) sa insidente.

Sa ngayon ay ang Regional Internal Affairs Service ng National Capital Region Police Office ang nagsasagawa ng imbestigasyon.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, junveneracion, NCRPO, News in the Philippines, nolascobathan, PH news, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion2020, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, junveneracion, NCRPO, News in the Philippines, nolascobathan, PH news, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.