Medical tents ipahihiram ng Red Cross sa Phil. Navy para magamit sa Iraq

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 07:22 PM

Courtesy of PRC

Magpapahiram ng medical tents ang Philippine Red Cross sa team ng Philippine Navy na magtutungo sa Iraq.

Ayon kay PRC chairman, Senator Richard Gordon, gagamitin ang mga tent para sa proseso ng paglilikas sa mga OFWs na nasa Iraq.

Nagpadala aniya ng request ang Navy sa Red Cross at aprubado na ito.

Sinabi ni Gordon na malaking bagay ang tent para magamit ng mga sundalo pagdating nila sa Iraq.

Sa liham ni Lieutenant Colonel Reynaldo Capuz, Navy Deputy Chief Surgeon, hiniling nito sa Red Cross na mapahiram sila ng dalawang medical tents – isang 6x12m at isang 10x20m.

Ito ay upang magamit nila pagdating nila sa Iraq.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Iran, medical tent, News in the Philippines, PH news, philippine navy, Radyo Inquirer, red cross, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Iran, medical tent, News in the Philippines, PH news, philippine navy, Radyo Inquirer, red cross, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.