Transport leaders pinulong ng LTFRB hinggil sa hirit na dagdag pamasahe sa jeep
Kinausap ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin B. Delgra III ang mga transport leader kaugnay sa hirit nilang dagdag singil sa pamasahe sa jeep.
Naghain ng petisyon sa LTFRB ang mga transport group at inihihirit nil ana gawing P12 ang minimum na pamasahe sa jeep.
Hiniling din nila na habang hindi pa nadedesisyunan ang petisyon ay gawin munang P10 ang singil sa jeep.
Sa ngayon ay P9 ang minimum na pamasahe sa jeep sa NCR, Region III at Region IV.
Tiniyak ng LTFRB sasailalim sa masusing pag-aaral ang mga hiling ng transport groups.
Aniya hindi naman pwedeng basta-basta lang magpatupad ng fare adjustment.
“The agency is on top of this. Of course, alam nating nakasalalay ang kabuhayan ng ating mga draybers at operators sa araw-araw nilang byahe. Pero dapat maintindihan din ng nakararami na kailangan muna itong sumailalim sa mabusising pagaaral mula sa datos na mayroon tayo bago magpatupad ng kahit anong pagbabago. Ang fare adjustment ay hindi basta-basta lamang.” Ayon kay Delgra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.