DOJ inatasan ang NBI na imbestigahan ang kaso ng pagpatay kay dating Cong. Edgar Mendoza

By Ricky Brozas January 10, 2020 - 06:42 PM

Binigyan ng Department of Justice (DOJ) ng 30 araw ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang kaso ng pagpatay kay dating Batangas 2nd District Representative Edgar Mendoza, kanyyang driver at aide.

Sa Department Order Number 12, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng case build-up sa susunod na apat na linggo at magsumite ng report sa kaniya hinggi sa update ng kaso.

Nakasaad sa utos ng kalihim ang agarang aksyon mula sa NBI.

Noong Huwebes ay natagpuan ang sunog na katawan ng kongresista, kaniyang driver na si Ruel Ruiz at ng kanyang aide na si Nicanor Mendoza na nasa back seat ng isang sunog ring kotse sa Tiaong, Quezon.

Blangko pa sa ngayon ang PNP kung ano ang motibo sa krimen.

TAGS: Breaking News in the Philippines, DOJ, Edgar Mendoza, Inquirer News, Murder, NBI, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DOJ, Edgar Mendoza, Inquirer News, Murder, NBI, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.