Halaga ng tulong na naibigay sa mga napinsala ng Typhoon Ursula umabot na sa P85M

Nakapagbigay na ng mahigit P85.43 million na halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng Typhoon Ursula.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa P85.43 million ang halaga ng tulong na mula sa DSWD, NGOs, LGUs at iba pa.

Sa latest na datos ng DSWD, mahigit 780,00 na pamilya ang naapektuhan o katumbas ng mahigit 3.2 milyon na katao.

Mayroon pa ring 932 na pamilya na nananatili sa mga evacuation center o nasa 3,918 na katao.

Mayroon ding 54.043 na bahay na totally damaged, at 452,879 na partially damaged.

Read more...