Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer G. Cato ng Philippine Embassy sa Libya, limang Filipino nurse ang napilitang umalis sa kanilang tinitirahan sa Tripoli matapos mabagsakan ng pampasabog ang kalapit nilang bahay sa Tarik Shuk District.
Ipinakita pa ni Gato ang larawan ng bahay na nawasak matapos ang pagsabog.
Sa ngayon mahigit 30 Pinoy na ang umalis sa kanilang mga tinitirahan sa Tripoli simula noong nakaraang linggo.
Ayon kay Cato mayroong 400 Filipino nurses at iba pang hospital workers, university professors, at oil company employees at kanilang dependents ang naninirahan at nagtatrabaho sa malapit sa lugar na nagaganap ang bakbakan sa Libya.
Apela ni Cato sa mga ito, mag-avail na ng repatriation program ng pamahalaan.