Limang Filipino nurses lumikas matapos mabagsakan ng bomba ang kalapit nilang bahay

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 05:19 PM

Umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinos na nasa Tripoli na agad nang lisanin ang kanilang tinutuluyan at mag-request na ng repatriation.

Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer G. Cato ng Philippine Embassy sa Libya, limang Filipino nurse ang napilitang umalis sa kanilang tinitirahan sa Tripoli matapos mabagsakan ng pampasabog ang kalapit nilang bahay sa Tarik Shuk District.

Ipinakita pa ni Gato ang larawan ng bahay na nawasak matapos ang pagsabog.

Sa ngayon mahigit 30 Pinoy na ang umalis sa kanilang mga tinitirahan sa Tripoli simula noong nakaraang linggo.

Ayon kay Cato mayroong 400 Filipino nurses at iba pang hospital workers, university professors, at oil company employees at kanilang dependents ang naninirahan at nagtatrabaho sa malapit sa lugar na nagaganap ang bakbakan sa Libya.

Apela ni Cato sa mga ito, mag-avail na ng repatriation program ng pamahalaan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, DFA, Filipino Nurses, Inquirer News, libya, News in the Philippines, OFWs, PH news, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tripoli, Breaking News in the Philippines, DFA, Filipino Nurses, Inquirer News, libya, News in the Philippines, OFWs, PH news, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tripoli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.