Isa sa mga suspek sa Maguindanao Massacre naaresto na ng mga otoridad
Matapos ang limang taon na pagtatago ay naaresto na ng mga otoridad ang isa pang suspek sa Maguindanao Massacre.
Ayon kay Brig. Gen. Marni Marcos, direktor ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) ang suspek ay nakilalang si Gambayan Kasim alyas Lori Alip, 47 anyos.
Matapos mailabas ang hatol sa kaso, ay mayroong 80 pang suspek sa masaker ang pinaghahanap ng mga otoridad.
Samantala ayon kay Marcos, habang isinisilbi ang warrant of arrest kay Kasim sa Brgy. Timbangan sa Shariff Aguak ay nagpaputok ng baril sa mga otoridad ang isang kasama nito na si Edsrail Guiomla alyas Das Guiomla.
Pinaputukan naman ng mga pulis si Guiomla na ikinasawi nito.
Nakuha ng mga pulis ang caliber .45 at 13 sachets ng hinihinalang shabu kay Guiomla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.