Hirit na gawing P12 minimum na pamasahe sa jeep inihain sa LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 11:43 AM

Naghain na ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB limang grupo ng jeepney transport group.

Sa anim na pahinang petisyon ng grupong ACTO, ALTODAP, FEDJODAP, LTOP, at Pasang Masda, P12 ang hinihingi nilang pamasahe para sa unang apat na kilometro at P2 dagdag sa kada kilometro sa Metro Manila.

Hinihingi din ng mga ito na ibalik sa sampung piso ang minimum na pasahe na siyam na piso habang dinidinig ang kanilang petisyon na itaas sa dose pesos ang minimum na pasahe.

Matatandaan na noong December 3, 2018, nagpalabas ng resolusyon ang LTFRB para sa provisional reduction ng pasahe matapos na bumaba ang presyo ng diesel.

Sa kasalukuyan anila, nasa P40 hanggang P45 ang kada litro ng diesel na posible pa raw sumipa ang presyo dahil sa namumuong gulo sa gitnang silangan maliban pa sa ipapataw na excise tax ng gobyerno.

hindi pa kasama dito ang mataas na presyo ng mga pyesa gaya ng engine oil, clutch lining, hyrovac, steering pump, gulong at baterya.

TAGS: 12 pesos minimum fare, Breaking News in the Philippines, fare hike, Inquirer News, ltfrb, Metro Manila, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 12 pesos minimum fare, Breaking News in the Philippines, fare hike, Inquirer News, ltfrb, Metro Manila, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.