Sapat na supply ng pagkain, pinatitiyak sa DA para hindi na sumirit ang inflation

By Erwin Aguilon January 10, 2020 - 11:40 AM

Dapat tiyakin ng Department of Agriculture (DA) na mananatiling stable ang suplay ng lahat ng pangunahing pagkain na binibili ng pamilyang Pilipino.

Ito’y para maiwasang tumaas ang inflation kasunod ng naitalang 2.5 percent inflation rate noong Disyembre.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, kung makaapekto ang frost sa ani ng mga gulay sa Baguio at Cordillera, dapat may back-up na agad mapagkukunan ng gulay sa ibang lugar.

Mainam aniyang lalong maipursige ang urban farming at hydroponics sa Metro Manila at ibang urban centers.

Para sa Bicol at Mindoro na madalas tamaan ng bagyo at mataas ang transport cost ng pagkaing nagmumula sa Metro Manila, inirekomenda ni Garbin na magkaroon din ng alternatibong mas malapit na sources ng food supply gaya ng Batangas o Panay.

At para mapababa naman ang halaga ng pagbibiyahe, dapat anyang kumilos ang kaukulang mga ahensya para mabawasan o tuluyang alisin ang administrative fees sa mga pantalan at tollways para maibsan ang epekto ng dagdag na buwis sa langis.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Department of Agriculture, food supply, Inflation, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Department of Agriculture, food supply, Inflation, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.