Customs chief Rey Guerrero nagulat sa balitang gusto siyang alisin sa pwesto ni Pangulong Duterte
Blangko si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa mga balitang papalitan na siya sa pwesto ni Rodrigo Pangulong Duterte.
Ayon kay Guerrero, nagulat siya nang mabasa ang balita na inalok umano ni Pangulong Duterte si special envoy to China William de Jesus Lima para maging Customs chief.
Sinabi ni Guerrero na hindi niya alam na nais na siyang palitan sa pwesto, at naghihintay siya ngayon ng guidance mula kay Finance Sec. Carlos Dominguez.
Pero ayon kay Guerrero siya ay presidential appointee at alam niyang anumang oras ay pwede siyang tanggalin ng kaniyang appointing authority.
Sa hiwalay na pahayag sinabi ni Dominguez na ilang beses niyang nakaharap ang pangulo at wala naman itong nabanggit na nais niyang palitan ang pinuno ng BOC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.