Angkas doble-kara ayon sa DOTr-TWG

By Erwin Aguilon January 10, 2020 - 11:06 AM

Tinawag na doble-kara ng Department of Transportation- Technical Working Group ang motorcycle hailing app na Angkas.

Ito ay kasunod ng paghahain nito ng kaso sa korte sa ginagawang pilot testing ng pamahalaan sa motorcycle taxis.

Ayon kay Transport Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, makikita ang pagiging doble-kara ng Angkas dahil nauna silang humingi ng paumanhin sa pamahalaan sa pamamagitan ng media pero matapos ito ay humingi naman ng Temporary Restraining Order sa korte.

Nangako anya ang Angkas na sususnod sa guidelines na ipinapatupad ng gobyerno pero sa huli ay kanila rin itong kinuwestyon sa husgado.

“Dito natin makikita na doble kara ang Angkas. nag-sorry sila sa harap ng media. Nangako na susundin nila ang guidelines at makikipag-usap sa gobyerno. Ngayon, nagpunta sila sa korte para i-challenge ang gobyerno,” pahayag ni Libiran.

Kasama sa petisyon ng Angkas na tanggalin sa pilot study ang iba pang motorcycle hailling app na Joyride at Move It.

Tanong tuloy ng opisyal ang gusto lang ba ang Angkas ay makuha ng monopolyp ng motorcycle taxi.

Sabi pa ni Libiran “Gusto nila, sila lang. Hindi ba pagkontra din ito sa dati nilang statement na wala silang problema sa kompetisyon? Ano yon, kasinungalingan lang?”

Nauna rito, sinabi ng DOTr-TWG na maraming nilabag sa umiiral na guidelines ang Angkas kasama rito ang pag-ooperate sa labas ng pilot testing area, mataas na pasahe at hindi pag-susuot ng mga riders at pasahero nito ng tamang safety gears.

Bukod dito, sa datos ng Securities and Exchnage Commission lumalabas na ang Angkas ay 99 porsyentong pag-aari ng dayuhan na labag sa batas ukol sa common carriers.

TAGS: Angkas, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, ride hailing app, Tagalog breaking news, tagalog news website, technical working group, transpo, twg, Angkas, Breaking News in the Philippines, dotr, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, ride hailing app, Tagalog breaking news, tagalog news website, technical working group, transpo, twg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.