LOOK: Earthquake drill isinagawa sa dalawang paaralan sa Marikina

Nasagawa ng earthquake drill ang Department of Education School Division Office – Marikina City sa ilang paaralan sa lungsod.

Idinaos ang unannounced earthquake drill sa Sta. Elena High School at sa Marikina Elementary School na kapwa na sa Brgy. Sta. Elena.

Lumahok din sa drill ang mga tauhan ng Marikina City Police Office, Bureau of Fire Protection (BFP), Rescue 161 ng Marikina at Philippine Red Cross.

Bagaman hindi inaunsyo ang drill ay nakasunod naman ang mga guro at mga mag-aaral sa nararapat na gawin kapag may tumamang lindol.

Read more...