US pasok na sa imbestigasyon sa bumagsak na Ukrainian Boeing Airliner sa Iran
By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 10:04 AM
Kinumpirma ng US National Transportation Safety Board na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa pagbagsak ng Ukrainian Boeing Airliner sa Iran.
Ayon sa US NTSB, ang eroplano ay isang US-made Boeing 737.
Sinabi ng NTSB na nagtalaga na ito ng kinatawan para lumahok sa ginagawang imbestigasyon.
Patuloy ding binabantayan ng NTSB ang sitwasyon at mga update patungkol sa plane crash.
Una nang sinabi ng Iran na hindi nito ibibigay sa US ang black boxes ng bumagsak na eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.