TWG on Motorcycle Taxis nilinaw na hindi nila inatasan ang Angkas na tanggihan ang mabibigat na pasahero

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 09:06 AM

Nilinaw ng technical working group on Motorcyle Taxis na wala itong utos sa “Angkas” na tanggihan ang mabibigat na pasahero.

Ayon kay TWG consultant Alberto Suansing, ang tanging ipinapaalala lamang nila sa motorcycle ride-hailing services ay ang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sinabi ni Suansing na tila sa gobyerno pa ipinapasa ng Angkas ang pagbabawal nila sa mga mabibigat na pasahero.

Paglilinaw ng opisyal, wala silang utos sa Angkas na huwag magsakay ng mataba.

Nagkaroon ng pagbabago sa application ng Angkas kung saan ang pasahero ay kailangan nang ideklara ang kanilang weight range kapag nag-book.

TAGS: Angkas, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, overweight passengers, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, twg on motorcycle taxi, Angkas, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, overweight passengers, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, twg on motorcycle taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.