Ayon sa PSA, terminated na ang kontrata sa Teleserv simula noong December 20, 2019.
Dahil dito, inabisuhan ng PSA ang publiko na ang Teleserv ay hindi na otorisado na kumuha at mag-deliver ng mga dokumento na inoorder ng publiko sa pamamagitan ng PSA Helpline.
Kabilang dito ang mga civil registry documents gaya ng birth, marriage, death certificates, certificate of no marriage/advisory on marriages at iba pa.
Ayon sa PSA, anumang transaksyon sa Teleserv ay hindi na kikilalanin ng PSA.
Maliban sa 40 Regional/Provincial Outlets at Batch Request Entry System (BREQS) partners ng PSA sa mga SM Malls at LGU partners, ang online request para sa civil registry documents ay maari pa rin namang i-avail ng publiko sa pamamagitan ng PSA Serbilis.