PSA hindi na ni-renew ang kontrata sa Pilipinas Teleserv

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 08:59 AM

Hindi na ni-renew pa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kotnrata nito Teleserv para sa delivery ng mga dokumentong kinukuha sa PSA.

Ayon sa PSA, terminated na ang kontrata sa Teleserv simula noong December 20, 2019.

Dahil dito, inabisuhan ng PSA ang publiko na ang Teleserv ay hindi na otorisado na kumuha at mag-deliver ng mga dokumento na inoorder ng publiko sa pamamagitan ng PSA Helpline.

Kabilang dito ang mga civil registry documents gaya ng birth, marriage, death certificates, certificate of no marriage/advisory on marriages at iba pa.

Ayon sa PSA, anumang transaksyon sa Teleserv ay hindi na kikilalanin ng PSA.

Maliban sa 40 Regional/Provincial Outlets at Batch Request Entry System (BREQS) partners ng PSA sa mga SM Malls at LGU partners, ang online request para sa civil registry documents ay maari pa rin namang i-avail ng publiko sa pamamagitan ng PSA Serbilis.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, civil registry documents, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine Statistics Authority, psa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teleserv, Breaking News in the Philippines, civil registry documents, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine Statistics Authority, psa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teleserv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.