Insidente ng pagkuha ng isang police general sa cellphone ng reporter iimbestigahan ng PNP
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na iimbestigahan ang pagkuha ng isang police general sa cellphone ng isang reporter ng GMA Network sa kasagsagan ng Traslacion.
Ayon kay PNP OIC Pol. Lt. General Archie Francisco Gamboa, inamin naman ni Southern Police District Director Police Brigadier General Nolasco Bathan na siya ang kumuha ng cellphone ni Jun Veneracion.
Sinabi ni Gamboa na pag-aaralan ng PNP ang naging insidente.
Kung mayroon aniyang kailangang imbestigahan ay gagawin ito ng NCRPO.
Nasa kapangyarihan naman aniya ng NCRPO ang magsagawa ng disciplinary measures.
Samantala sa panayam ng Radyo Inquirer iginiit ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na inirerespeto ng PNP ang karapatan ng mga mamahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.