Ukrainian Airliner na nag-crash sa Tehran, pinabagsak ng Iran ayon sa Canada

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2020 - 06:20 AM

Naniniwala ang Canada na ang Iran ang nagpabagsak sa Ukrainian Airliner noong Miyerkules na ikinasawi ng 176 na katao kabilang ang 63 Canadians.

Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, base sa kanilang multiple intelligence sources, pinabagsak ang eroplano gamit ang Iranian surface-to-air missile.

Pero ayon kay Trudeau maaring unintentional o hindi sinadyang targetin ang naturang eroplano.

Tiniyak ni Trudeau na gagawain ng Canada ang lahat para makapagsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng ilang US officials na maaring aksidenteng napabagsak ng Irianian air defenses ang naturang eroplano.

Hiniling naman ng Ukraine sa international partners nito na tumulong sa imbestigasyon.

TAGS: Breaking News in the Philippines, canada, Inquirer News, Iran, News in the Philippines, PH news, Prime Minister Justin Trudeau, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tehran, Ukrainian Airliner, Breaking News in the Philippines, canada, Inquirer News, Iran, News in the Philippines, PH news, Prime Minister Justin Trudeau, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tehran, Ukrainian Airliner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.