Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,930 kilometro Silangan ng Mindanao.
Mababa pa rin ang tyansang na maging bagyo ang LPA ngunit papasok ito sa bansa sa araw ng Linggo.
Ngayong araw, magdadala ang northeast monsoon o Amihan ng maulap na kalangitan na may mahihinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, maaliwalas ang panahon na may posibilidad ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan na epekto pa rin ng Amihan.
Apektado naman ng Easterlies ang Eastern Visayas at buong Mindanao na magdadala ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa natitirang bahagi ng Visayas, asahan ang maalinsangang panahon na may posibilidad ng panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstoms.
Nananatiling nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes at Babuyan Islands.