DOJ pinaiimbestigahan sa NBI ang pagkamatay ng Pinay worker sa Kuwait
Ipinag-utos ni Justice Sec. Menardo Guverra sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng Pinay worker sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende.
Matatandaang batay sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office, minaltrato ng kanyang employer si Villavende.
Sa kanyang utos, pinatitingnan din ni Guevarra sa NBI kung may pananagutan din ang recruitment agency na naglagay kay Villavende sa Kuwait.
Pinaghahain ng kaukulang reklamo ang NBI kapag nakakita ng karampatang ebidensya.
Nakakulong na ang employer ng Pinay worker sa kasalukuyan.
Kumuha na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng magaling na abugado para hawakan ang kaso ni Villavende.
Kahapon, nadala na sa General Santos City ang mga labi ni Villavende.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.