Sunog sumiklab sa residential area sa Maynila

By Rhommel Balasbas January 10, 2020 - 04:33 AM

Courtesy of Sunog Alert

Natupok ng apoy ang ang ilang bahay at dalawang sasakyan sa sunog sa Singalong St. Malate, Maynila, Biyernes ng hatinggabi.

Ayon kay Fire Officer 2 Edilberto Cruz, arson investigator ng Bureau of Fire Protection – Manila sumiklab ang apoy sa barracks ng isang garahian ng Taxi company alas-11:58 ng gabi.

Nadamay sa sunog ang opisina ng isang lending company kaya’t itinaas agad ito sa ikalawang alarma.

Tupok din sa apoy ang dalawang taxi na nakagarahe.

Aabot sa P200,000 ang pinsala ng sunog sa ari-arian pero maswerteng walang nasaktan dito.

Alas-12:56 ng madaling-araw nang tuluyang maapula ang apoy at patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan nito.

TAGS: BFP Manila, fire hits a residential area in Malate, fire incident, makeshift barracks, manila, BFP Manila, fire hits a residential area in Malate, fire incident, makeshift barracks, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.