NCRPO: Traslacion 2020 mapayapa at matagumpay

By Rhommel Balasbas January 10, 2020 - 01:58 AM

Courtesy of Maria Tan/AFP

Maituturing na tagumpay at mapayapa ang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno ngayong taon ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO director Brig. Gen. Debold Sinas, walang napaulat na major incident sa kasagsagan ng prusisyon.

Bukod dito, wala ring nagtamo ng malalang pinsala at namatay sa prusisyon.

Pawang minor injuries lang anya ang naitala sa panig ng mga deboto habang may tatlong pulis naman ang nasaktan.

Masaya rin si Sinas sa naging mabilis na takbo ng prusisyon dahil sa tulong ng mga pulis.

Giit ng police official, napagtanto ng pulisya at ng Church officials na kapag mas matagal ang prusisyon, mas mahaba ang panahon para manamantala ang mga kriminal at masasamang tao.

Inabot lamang ng 16 na oras ang Traslacion ngayong taon na pinakamabilis sa nakalipas na dekada.

TAGS: generally peaceful, Itim na Nazareno, National Capital Region Police Office (NCRPO), NCRPO director Brig. Gen. Debold Sinas, Traslacion2020, generally peaceful, Itim na Nazareno, National Capital Region Police Office (NCRPO), NCRPO director Brig. Gen. Debold Sinas, Traslacion2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.