Higit 1,000 katao sa Traslacion naasistehan ng Red Cross
Aabot sa higit 1,000 katao na lumahok sa Traslacion ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Red Cross.
Sa pinakahuling update ng Red Cross, hanggang alas-8:00 kagabi, umabot sa 1,051 ang naasistehan ng kanilang medical teams at volunteers.
Sa naturang bilang, 679 ang nabigyan ng blood pressure consultation.
Aabot naman sa 291 ang pasyente na nakaranas ng pagkahilo, nahirapang huminga, tumaas ang presyon, nagasgasan, nagkasugat at napilayan.
Mayroong 26 pasyente na may minor cases ang ginamot on-site.
Labing-apat naman ang dinala sa Ospital ng Maynila at Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa hypertension, pagkahimatay, pagkapilay at iba pa.
Nakapagbigay din ng psychosocial first aid, tracing, referral at free call ang Red Cross sa 41 indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.