Magnitude 3.4 na lindol, tumama sa Zambales

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Zambales, Huwebes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 14 kilometers Southwest ng Cabangan bandang 10:16 ng gabi.

May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Olongapo at Marikina City.

Tiniyak ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...