Nahulog ang bus sa isang bangin sa mabundok na bahagi ng northern Iran.
Batay sa ulat, nangyari ang aksidente sa Mazandaran province na may layong 150 kilometers Northeast ng Tehran.
Dahil dito, hindi bababa sa 19 katao ang nasawi habang 24 iba pa ang nasugatan sa aksidente.
Pinaniniwalaang nawalan ng preno ang bus na naging dahilan ng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.