MIAA, handa sa pag-uwi ng mga OFW mula Middle East

Handa ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa inaasahang pag-uwi ng ilang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Gitnang Silangan.

Ito ay kasunod ng hakbang ng gobyerno para maiuwi o mailipat ang mga OFW sa mas ligtas na lugar sa labas ng Iraq.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na suportado nila ang aksyon ng gobyerno.

Ihahanda aniya ang mga holding area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maproseso ang mga dokumento ng mga OFW at maisailalim sa ilang briefing.

Magtatalaga rin aniya ng medical team sa holding areas para sa mga OFW na mangangailangan ng atensyong medikal.

Ayon pa kay Monreal, mamimigay sila ng Malasakit kits sa mga OFW.

Bahagi ang MIAA ng inter-agency team sa repatriation ng ilang OFW.

Patuloy ding nakikipag-tulungan ang ahensya sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Office of the Special Envoy to the Middle East kasabay ng tensyon sa nasabing rehiyon.

Read more...