Tinanggal na ang mga tolda at wala na rin ang mga supporters ni suspended Mayor Junjun Binay sa quadrangle ng Makati City Hall.
Ito ay kasunod ng kusang-loob na pagbaba sa puwesto ni Mayor Junjun mula sa kanyang tanggapan sa ika-21 palapag ng Makati City kahapon.
Sa kabila nito ay nanatiling nasa paligid ng Makati City Hall ang mga puwersa ng pulis mula sa Southern Police District (SPD). Ang iba pa ngang pulis ay sa entablado na sa quadrangle nagpalipas ng magdamag.
Ngayong araw rin ay magsisimula ang panunungkulan ni Vice Mayor Kid Peña bilang Acting Mayor ng lungsod. “Normalcy of operations and transactions” sa City Hall ang pangako ni Peña sa mga constituents ng Makati.
Pansamantala, sa licensing division sa unang palapag ng Makati City Hall building mag-oopisina si Peña.
Samantala ang number one Councilor ng Makati na si Coun. Virgilio Hilario ay hindi pa nakakapanumpa bilang acting vice mayor ng lungsod./Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.